EMMAN
naaninagan ka
ng kabilugan ng buwan.
maging ang puno ng mangga
na gabi-gabing
nakikipagsayan sa hangin
ay nanahimik
para pakinggan
ang iyong awit.
tinatangay ako
ng iyong nakapikit na mata.
ramdam na ramdam
ang pagbasag na katahimikan
ng pakikipagtalik ng iyong
daliri
sa gitara.
sa iyong pagkanta
malayang lumilipad
ang iyong kaluluwa.
hindi kayang ikulong ng bakod o oras.
para kay emman...
salamat sa pagpapaunlak
04212201
432 PM
background: Emman is one of the seminarians I have constantly kept in contact with. When it comes to music, Fr. Mimo actually considers him a raw talent with a lot of genius. Everytime I wrote him, I always asked him to play for me. That night he indulged me with his music while we were sitting underneath the mango tree in the middle of the seminary. I guess, I am always moved by people who are passionate of the things they do.
Tuesday, August 27, 2002
ANG NAGMAMASID
Minsan,
kapag natutulog ka na,
gusto ko lang na pagmasdan ka.
Kung paano maaninagan ng mga bituin
ang mga talukap mong nagkukubli sa iyong mga mata.
Minsan napapaisip,
“Sa iyong mundong nakaidlip
naroon din kaya ako sa mga panaginip mo?’
Minsan,
sa iyong payapang pagkakahiga
sa kamang satin
na siyang sasakyan mo
tungo sa pangarap,
ako’y nakikinig sa dahan-dahan mong paghinga,
sumasabay sa koro ng ibon at kuliglig
na tila awit ng gabi kapag bilog ang buwan
at nagdidiwang ang mga estrella.
Minsan,
mapapatigil ang mga mata kong
gutom sa iyong kagandahan
sa iyong labing nakatikom man,
ay may ngiti pa ring naiwan.
Tila ba tinatawag ako
sa katahimikan ng gabi.
Ako kaya’y makakatanggi?
...
Patuloy kitang pagmamasdan,
pabalik-balik, paulit-ulit
hanggang sa ako naman ang maidlip
nawa’y dala-dala ka sa aking panaginip.
ANG PINAGMAMASDAN
Minsan,
sa pagpikit ng akong nabibigatang mata,
nararamdaman kong tumititig ka.
Puso’y tila bumibilis sa kaba.
Minsan,
kahit antok ay nananaig na,
makatulog man, alam kong
sa panaginip kapiling ka.
Minsan,
may mga buntong-hingang sumisingit
sa ritmo ng aking pag-idlip.
Tila binibigkas ng kaluluwa,
“salamat at nariyan ka,
nagmamasid, patuloy kong kasama.”
At minsan,
muling lumulundag ang puso ko,
para bang sa panaginip ko
labi mo’y papalapit na.
Ang loob ko’y mapapangiti na.
matatanggihan ko ba?
…
Patuloy kong ninamnam iyong pagmamasid,
pabalik-balik, paulit-ulit
hanggang sa ikaw ay maidlip
nawa’y dala-dala ka sa aking panaginip.
08272002
12:36 PM
sta.anamanila
background: Tatit always told me she liked this song by Parokya ni Edgar where the guy just stares at the girl while she sleeps. Last night, while I was on the jeep I was wondering if I can stand watching the guy I liked right now while he sleeps. I don't have an answer but I do have this poem.
BUKIDNON SA DAPIT-HAPON
Nagkukulay-abo
ang puting-bughaw na langit.
Unti-unting yamayakap
ang malambing na ulap
sa berdeng kumot ng lupa.
Nalulusaw, naglalangkay
tungo sa panaginip.
Maging ang kristal na ilog
na humahaplos, naglalambing
sa kulay-kapeng bato ng bundok
ay pinagtatalik,
pinag-iisa
ng kanilang awit
sa pagsapit ng dapit-hapon
sa Bukidnon.
Kahit nanatiling nakatindig
ang matayog na niyog at gmelina,
manga at acacia
napapagod din sila.
Ang palay na maghapong nakayuko
sa langit pa rin tutungo
sa pagsapit ng dapit-hapon
sa Bukidnon.
Mga kaluluwang napagal sa maghapon
ay humihimlay sa dibdib ng gabing nananaig,
pupukawin na lang muli
sa pangingiliti ng umaga.
08132002
0956PM
Jesuit Retreat House – Malaybalay City
background: It was already getting dark while I was on my way to Malaybalay from Cagayan de Oro. Usually, I just go to sleep on trips but I did not feel very tired at that time. I was looking through the glass window of the bus. And lo! I just couldn't help but be amazed and captured by the beauty of Bukidnon at dusk. Even in the silence of the bus, Bukidnon seemed to be singing to me that time.
o kayong mga nasa bistro. 2.
dahan-dahan
ang paghiwa sa aking
pusong luhaan,
ng talas ng hiyaw
ng mahiwaga mong gitara.
tila mas pinalalim pa ang
sugat ng kaluluwang
binabagabag ng tinig mo --
tinig mong
tila hinugot sa karagatan
ng pighati
o marahil ay
nagmula sa kabundukan
ng hinagpis.
walang magawa
kungdi bumigay sa
pait na iniiwan sa bibig,
hindi ng serbesang malamig,
kungdi ng katotohan
ng napiling salita
para sa iyong awit --
awit ng mga binuong himig
mula sa kalawakan,
mula sa kawalan.
hinabi ng pawis,
luha (minsan ngiti)
at karanasang hindi iyo lamang.
hinabi ng kinakalyong daliri
at mapaglarong isip.
walang magagawa pa
kungdi tumahimik
at pumikit
na lamang.
at hayaang
sakupin,
lunurin
ng iyong
musika...
june 19, 2002
11:42 PM
background: It has been quite a while since I felt pathetic having to eat alone. Usually, I enjoy eating with myself but that night how I wished I was with a companion (translation: a guy who just adored me). When I got home, I was listening to Gary Granada's Barangay album. The songs on the tape moved me to write, this time with a "depressed" tone.
o kayong nasa bistro.
sumasayaw na naman
ang iyong mga daliri
sa gitara mong
siyang entablado nila.
sa pagpikit
ng mga nangungusap
mong mga mata,
nakikita kung paano mo
sisirin ang kalaliman
ng kalawakan
upang mahanap
ang mga salitang
bibigkas
sa hinagpis
at pangarap
ng aking
kamalayang
naghahanap
ng katuturan
at kahulugan.
sa pag-ahon ng
tinig mo sa ingay
ng nagsasalpukang bote
at nagkukuwentuhang puso,
tinatangay ang damdaming
matagal nang
dinurog ng panahon.
ang iyong awit
ang siyang
muling naghahabi
ng aking pira-pirasong
kaluluwa.
May 1, 2002
background: it was the first time i heard gary granada's saranggola sa ulan. This was also the Bistro night where I was with Kang so most of the songs that Noel Cabangon was singing seemed like re-entry songs. I guess, I was just really into the music that night.
