when random thoughts come together

Monday, January 03, 2005

PIKIT

Minsan, di sinasadyang
mapalingon kung nasaan ka.

Nahuling tumititig ang
mga kulay-kape mong mata
sa kalawakan
tila hinahanap ang isang nakakubling lihim,
sinisisid ang mga alon ng tadhana
sinusuyod ang kadilimang nakayakap sa iyong mundo.

Wala kang malay
na nakadampi ang aking mga matang
nabighani ng iyong mukhang nagtatanong.

Nang ikaw ay napapikit,
at sa iyong mga labing nakatikom,
may anino ng isang ngiting kasingtamis ng pulot.

01042005
0906am

TAMIS
tatlong kutsara ng asukal
sa araw-araw
ang hinahalo mo
sa isang kutsarita ng nescape
para kahit man lang sa umaga
malasap mo na may
kaunti pa ring tamis ang buhay

01042005
0915am