I asked a friend to try and put music into this. Something sort of Parokya ni Edgar ang dating kind of music. I'm sure it still has to be re-arranged and all, but it is my first attempt to write something for a song. And reading through it, it definitely needs a lot of work. Hehehe!
MALAKING TANGA
Nag-text ka kanina
Sa Starbucks tayo ay magkita.
Sabi mo may ikukuwento ka.
Eto naman ako, um-oo
Kahit na alam na alam ko
Pag-uusapan natin chicklet mo.
Nandito na ako
Nakapag-order na kanina pa
Ng paborito kong moccacino.
Trenta minutos na
Sadyang wala ka pa.
Ako’y naiinip na.
Manhid ka nga ba talaga
O siguro isang malaking tanga?
Hindi mo ba talaga makita
Na minamahal kita?
Pero siguro nga
Ako ang mas tanga
Dahil kahit ganyan ka
Mahal pa rin kita.
Malaking tanga.
Sino nga ba sa ating dalawa?
Sa wakas, dumating ka na
Malaki ang ngiti sa mukha
Pagka-order mo ng frappucino
Diretso ka na sa kuwento mo
Pangiti-ngiti lang ako
Kahit gusto na kitang batukan
Alam kong sa susunod na kwentuhan
Ibang babae na uli ang laman.
Manhid ka nga ba talaga
O siguro isang malaking tanga?
Hindi mo ba talaga makita
Na minamahal kita?
Pero siguro nga
Ako ang mas tanga
Dahil kahit ganyan ka
Mahal pa rin kita.
Malaking tanga.
Sino nga ba sa ating dalawa?
Tapos na rin ang iyong kuwento.
Ako naman ang iyong tinanong,
“sino na ba ang boylet mo?”
natawa na lang ako sa iyo
sumagot “di ako tulad mo
pumapatol lang kahit kanino”
pareho tayong natawa sa sinabi ko
dahil alam mo na iyon ang totoo.
Kaya iba na lang ating pinag-usapan,
UAAP, mga chika sa tambayan.
Tawa lang tayo ng tawa.
Mukhang timang, parang hibang.
Manhid ka nga ba talaga
O siguro isang malaking tanga?
Hindi mo ba talaga makita
Na minamahal kita?
Pero siguro nga
Ako ang mas tanga
Dahil kahit ganyan ka
Mahal pa rin kita.
Malaking tanga.
Sino nga ba sa ating dalawa?
TULOY-TULOY
Bad trip.
Yun lang masasabi ko.
Kapag minamalas tuloy-tuloy na ito.
May pimple na nga
Nang gumising sa umaga
tumawag pa girlfriend ko
para sabihin sa akin
“Cool off na lang muna tayo.
I need some time to think.”
Hanggang sa ibaba ang telepono
Nakatunganga lang ako.
Sa sama ng loob ko
Binagsak exams sa Filipino
O Diyos ko!
Gusto ko na i-untog aking ulo
Talaga namang tuloy-tuloy kamalasan ko.
Bad trip.
Yun lang masasabi ko.
Kapag minamalas tuloy-tuloy na ito.
Labanan sa intrams
Pinaupo ako ni coach
Hanggat hindi daw tumino
Ang aking laro
Dito lang ako sa bangko.
Ang team nga nanalo
pero olats na olats naman ako.
Pagkatapos ko pang magshower
Dailiri ko naipit sa locker.
Aaaaaaah!
Gusto ko na i-untog aking ulo
Talaga namang tuloy-tuloy kamalasan ko.
Bad trip.
Yun lang masasabi ko.
Kapag minamalas tuloy-tuloy na ito.
Pero minsan bumabawi ang buhay
Gugulatin ka na lang
Kung marunong ka makisakay.
Matagal na akong walang pimple
Sa tulong ng master eskinol
Sa kakaaral, na-perfect ko Filipino.
Sa intrams, nag-champion team ko.
Dahil sa akong sunod-sunod na three.
Anong masasabi niyo ngayon?
Ako ang MVP.
Minsan bumabawi ang buhay
Gugulatin ka na lang
Kung marunong ka makisakay.
Masaya ako,
Dala-dala aking tropeo
Sa aking pag-uwi.
Laking gulat ng makita ko
Ang ex-girlfriend ko
Sa bahay
Namin naghihintay
“sorry na sa aking ginawa.
Mahal kita. Puwede ba uli tayo na?”
Minsan bumabawi ang buhay
Gugulatin ka na lang
Kung marunong ka makisakay.
